Nakapagtala ng heat index sa pagitan ng 41 hanggang 45 degrees Celcius ang tatlong monitoring stations sa Metro Manila.
Ayon sa PAGASA, naitalas ang pinakamataas na heat index o init na nararamdaman ng katawan sa NAIA sa Pasay City na nasa 45°C, kasunod ang 43°C sa Science Garden sa Quezon City at 41°C sa Port Area, Manila.
Ang heat index na nasa pagitan ng 41 at 54 °C ay ikinokonsiderang mapanganib dahil sa mataas na posibilidad na pagkakaroon ng heat cramps at heat exhaustion
Ang Aparii, Cagayan ang nakapagtala ng mataas na heat index kahapon na nasa 46°C.
Nabatid na naitala noong May 14 ang pinakamataas na heat index sa taong ito sa Dagupan City, Pangasinan na pumalo sa 53°C.
Facebook Comments