41 MILYONG AYUDA INILAAN PARA SA MGA HOG RAISERS NG PANGASINAN SA PAGSISIMULA NG REPOPULATION PROGRAM

Naglaan ng 41 milyong piso ang Department of Agriculture para sa mga hog raisers ng lalawigan ng Pangasinan na una ng naapektuhan ng African Swine Fever.

Sa tala ng Department of Agriculture nasa 41, 675, 333. 75 ang tinanggap ng labing walong lokal na pamahalaan sa Pangasinan na kinabibilangan ng Agno, Anda, Bani, Bolinao, Dasol, Infanta, Binmaley, Sual, Labrador, Lingayen, Mangatarem, Calasiao, San carlos city, Sta. Barbara, Mangaldan, Asingan, Natividad at Umingan para sa paglilinis ng kanilang mga babuyan.

Ayon kay Jovito Tabajeros, Provincial Veterinarian, higit 38 milyon dito ang inilaan para sa mga alagang baboy o sentinel hogs na ilalagay sa mga babuyan sa huling linggo ng Agosto upang makita kung wala na talagang ASF Virus sa mga nabanggit na bayan.


Sa ngayon aniya patuloy ang isinasagawang paglilinis, disinfection at environmental swabbing sa mga babuyan bilang paghahanda sa sentinelling.

Sinabi naman ni DA Secretary William Dar, under testing na ang bakuna laban sa ASF sa sampung commercial farms at ang pinaka unang resulta nito ay ilalabas sa Agosto.

Dagdag ni Secretary Dar, wala ng naitatalang baboy sa Pangasinan ang infected ng ASF ngunit patuloy ang kanilang pagbabantay bilang pagprotekta sa hog industry.

Facebook Comments