41 PESOS NA BIGAS SA PAMILIHAN SA DAGUPAN CITY, TINATANGKILIK PA RIN NG MGA KONSYUMER

Bagamat hindi kagandahan ang kalidad ng 41 pesos na bigas sa pamilihan sa lungsod ng Dagupan ay isa ito sa mga tinatangkilik ng mga Dagupeño.
Sa mga pampublikong pamilihan sa lungsod, nasa 41 pesos ang pinakamababang presyo ng bigas habang naglalaro naman sa 55 to 59 ang pinakamataas na klase ng produkto.
Ayon sa mga mamimili, sayang na raw ang karagdagang apat na piso dagdag pa kung ilan ang kukuning kilo kung bibilhin ang 45 pesos na may mas maayos na kalidad.

Pangamba pa nila ang mga nagtataasang presyo ng iba pang mga pangunahing bilhin sa merkado tulad ng gulay, isda, karne at iba pa.
Samantala, nananatili namang sapat ang suplay ng bigas sa lalawigan ng Pangasinan hanggang sa mga susunod na buwan. |ifmnews
Facebook Comments