Sisimulan na ng lokal na pamahalaang lungsod ng Mandaluyong ang pamamahagi ng tablet sa mga mag-aaral nito sa mga pampublikong paaralan sa katapusan ng Oktubre.
Ayon sa tagapagsalita ng lungsod na si Jimmy Isidro, sa ngayon ay tinatapos pa nila ang pagda-download ng mga modules, instructional videos, safety measure at software license nito.
Aniya, nasa 41,000 mga mag-aaral ang mabibigyan nito mula Grade 4 hanggang Grade 12.
Habang ang Kinder hanggang Grade 3 ay gagamit lang muna ng mga printed materials, alinsunod sa kautusan ng Department of Education (DepEd) Mandaluyong sa rason na kailangan pang i-develop ang kanilang psychomotor.
Pero tiniyak naman niya na lahat ng mag-aaral sa mga pampublikong paaralan sa lungsod ay makatatanggap ng school uniform, sapatos at medyas.