Umabot na sa 42.26 million Filipinos ang nagparehistro para sa COVID-19 vaccination.
Ito ay batay sa database ng Local Government Units (LGUs) sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, aabot sa 42,267,179 eligible individuals ang kasama sa vaccination priority list mula nitong July 17.
Aniya, halos kalahating porsyento na ito ng kabuoang populasyon ng bansa na handang magpabakuna.
Bukod dito, sinabi ni Año na nasa 28,598 quarantine facilities nationwide ang available para sa COVID-19 patients.
Nasa 25,989 COVID-19 action plans ang naisumite na ng LGUs.
Nasa 36,823 na barangay health emergency response teams ang naitatag.
Bilang paghahanda sa Delta variant, hinikayat ng DILG ang mga LGU na paigitingin ang contact tracing at border monitoring.