China, hindi nangialam noong 2016 elections – Duterte

86

Tiwala si Pangulong Rodrigo Duterte na malinis at patas ang kanyang pagkapanalo noong 2016 elections.

Sa kanyang public address, pinabulaanan niya ang alegasyon ni dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario na nangialam lamang ang China sa halalan kaya siya nanalo sa pagkapangulo.

Duda si Pangulong Duterte na nabili ang 16 na milyong boto para matiyak lamang ang kanyang panalo noong halalan.


Tanong ngayon ng pangulo kung saan nakuha ni Del Rosario ang ganitong impormasyon.

Matatandaang sinabi ni Del Rosario na may impluwensya ang mga Chinese noong 2016 elections para sa tiyak na pagkapanalo ni Duterte.

Nakuha ni Del Rosario ang impormasyon mula sa isang international entity.



Facebook Comments