42.6-M COVID-19 vaccines, kailangan ng Pilipinas para maabot ang demand – Galvez

Nangangailangan pa rin ang Pilipinas ng 42.6 million doses para maabot ang demand ng COVID-19 vaccines sa Pilipinas.

Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., nasa 70,851,828 Filipino ang kailangang mabakunahan.

Aniya, ang gap sa pagitan ng supply at demand ay nasa 42.6 million doses.


Sa ngayon, nakatanggap na ang Pilipinas ng 31,360,700 doses.

Sinabi ni Galvez na sa Oktubre pa maaabot ang demand.

Kailangang itaas ang supply deliveries para makamit ang demand sa iba’t ibang local government units (LGUs).

Kaya humihingi ng pasensya si Galvez sa mga LGUs dahil hindi pa sapat ang supply ng bakuna sa bansa.

Inirekomenda na ng Department of Health (DOH) at National Task Force ang pagprayoridad ng pagbabakuna sa mga healthcare workers, senior citizens at persons with comorbidities para maabot ang population protection para sa vulnerable sector.

Facebook Comments