42° Celsius na heat index, posibleng maitala sa Roxas City, Capiz ngayong araw

Posibleng pumalo sa 42° Celsius ang maitatalang pinakamainit na heat index sa bansa ngayong araw.

Sa forecast ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), inaasahang maitatala ito sa Roxas City sa Capiz.

Pasok ito sa danger level ng heat index kung saan posible ang heat cramps at heat exhaustion gayundin ang heat stroke kung patuloy na ma-e-expose sa matinding init.


Aabot naman sa 41° celsius ang damang init sa Cotabato City; Pili, Camarines Sur; at Virac, Catanduanes habang 40° Celsius sa Iloilo City.

Sa nakalipas na limang araw, naitala ang pinakamataas na heat index sa Cotabato City noong March 8 na umabot sa 43° celsius habang 42° Celsius noong March 10 at 12.

Facebook Comments