Ayon kay City Agriculturist Engr. Ricardo Alonzo, kasalukuyan nang sumasailalim sa medical examination sa Makati ang 42 na nakuhang aplikante at hinihintay na lamang kanilang ang resulta.
Nilinaw ni Alonzo na saka lang maipapadala sa SOKOR ang isang aplikante kung pasado na ito sa lahat ng qualifications.
Pinapayuhan naman ang mga hindi napasama sa 2nd batch na tapusin na lahat ng requirements upang sa ganon ay ang medical na lang ang aasikasuhin pagdating ng kanilang schedule.
Mula sa siyamnaput (92) dalawang Farmer Interns nauna nang nagtrabaho sa South Korea ay isa lang ang nakuha mula sa Cauayan City na si Lumaquin Alvin ng brgy. Devera dahil na rin sa mataas na panuntunan ng South Korea.
Magtatrabaho ng limang (5) buwan ang mga Farmer Interns at pwede rin silang mag renew ng kanilang kontrata kung maganda ang kanilang performance.