42 pang tauhan ng PNP na nagsilbi sa Marawi siege binigyan ng promosyon ng NAPOLCOM

Nakahabol na mabigyan ng promosyon ng National Police Commission ang 42 mga tauhan ng Philippine National Police matapos na isabak sa naganap na Marawi Siege noong 2017.

 

Ayon kay NAPOLCOM Vice Chairman Atty. Rogelio Casurao,  napasama sila sa napromote dahil sa ipinakitang tapang at mahalagang papel sa kasagsagan ng pakikipagbakbakan ng AFP at PNP kontra sa grupo ng mga Maute Brothers at ng Abu Sayyaf group sa Marawi.

 

Walong magkakahiwalay na Resolution ang inaprobahan ng NAPOLCOM para dito.


 

Kabilang sa grupo ang 20 tauhan ng PNP Intelligence Group na nagbibigay ng mga mahahalagang impormasyon sa mga tauhan ng PNP SAF na nasa Front Line.

 

Pitong tauhan ng PNP Crime Laboratory na nagsagawa ng. autopsy at DNA test sa mga bangkay.

 

Sampung anti carnapping Operatives para  hindi makalabas at makapasok sa Main Battle Area ang mga supporters ng MAUTE at ASG.

 

2 Operators ng drone na pinilit na makuha ang SD card nang nawasak na drone kahit inuulan ng bala at nakatulong ng malaki ang nakuhang impormasyon.

 

Binigyan din ng Special Posthumous Promotion ang tatlong tauhan ng PNP na nagpakita ng kakaibang tapang.

 

Ito ay sina Police Corporal Daniel Tegwa at Police Corporal Alex Laurente at  Patrolman Moses Kimayong Jr.

 

May kabuuang 948 na mga tauhan ng PNP na nagsilbi sa Marawi Seige ang nabigyan ng promosyon ng NAPOLCOM.

Facebook Comments