42 Vendor, Service Crew sa New Public Market ng Santiago City, Positibo sa COVID-19

Cauayan City, Isabela- Nagpositibo ang ilang vendor, service crew o mga nagtatrabaho sa New Public Market ng Santiago City makaraang magsagawa ng malawakang contact tracing at mass testing sa mga close contacts ng mga naunang nagpositibo sa COVID-19.

Batay sa datos ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU), 41 vendor, service crew sa New Public Market, isnag local traveller at isa rito ay close contact ang pawang mga nagpositibo sa virus ngayong araw.

Nasa 42 bilang ang pawang mga asymptomatic habang isa (1) lang ang mayroong sintomas ng nakahahawang sakit.


Kaugnay nito, nadagdagan rin ang mga lugar sa lungsod na isinailalim sa calibrated lockdown ng pamahalaan kabilang ang Arcade 2, New Public Market; Back of Old Jocel Building, Barangay Centro East.

Sa ngayon, nagsasagawa pa rin ng contact tracing ang mga health authorities para matukoy ang iba pang posibleng nakasalamuha ng mga positibo ngayon sa nakahahawang sakit.

Panawagan ngayon ng pamahalaan na ugaliing sundin ang standard health protocol para makaiwasa sa banta ng nasabing virus.

Facebook Comments