420 CAUAYEÑOS, NABENEPISYOHAN NG LIBRENG DENTAL SERVICES

CAUAYAN CITY- Nabenepisyuhan ng libreng dental services ang 420 Cauayeños sa isinagawang dental mission noong ika-23 ng Marso sa Lungsod ng Cauayan.

Ang aktibidad ay isang inisyatiba ng Lokal na Pamahalaan ng Cauayan, katuwang ang National University – College of Dentistry na ginanap sa Brgy. San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Sa pamamagitan ng programa, nakatanggap ang mga residente ng libreng dental check-ups, extractions, cleaning, at oral health education.


Pangunahing layunin ng programa ay magbigay ng serbisyong dental sa mga residente ng Cauayan, partikular na ang mga hindi madalas makatanggap ng regular na dental services.

Samantala, ang mga benepisyaryo ay nagmula sa iba’t ibang barangay ng Cauayan kung saan nagpa-rehistro ang mga ito sa City Health 1, 2, at 3 o sa mga midwife ng kanilang barangay.

Facebook Comments