Cauayan City, Isabela- Nadagdagan pa ang bilang ng kaso ng mga nagpopositibo sa COVID-19 sa rehiyon dos.
Batay sa pinakahuling datos na inilabas ng Department of Health (DOH) Region 2, apatnapu’t tatlong (43) katao ang nagpositibo sa COVID-19 na naitala sa mga probinsya ng Cagayan, Isabela, Santiago City, at Nueva Vizcaya.
Mula sa 43 na new confirmed cases, anim (6) ang muling naitala ng Cagayan, tatlumpu’t isa (31) sa Isabela, dalawa (2) sa Santiago City at apat (4) sa Nueva Vizcaya.
Gayunman, nakapag-ulat naman ang rehiyon ng maraming bilang ng mga COVID-19 Positive na nakarekober sa sakit kung saan lima (5) ang gumaling mula sa Cagayan, anim (6) sa Isabela, at apat (4) sa Nueva Vizcaya.
Sa kasalukuyan ay mayroong 1, 857 ang bilang ng kabuuang kaso ng COVID-19 SA Lambak ng Cagayan, 344 rito ang aktibo, 1, 481 ang nakarekober habang 32 ang nasawi.