43 MAG-AARAL AT 7 GURO, NAHULOG MATAPOS BUMIGAY ANG TINATAWIRANG HANGING BRIDGE

Cauayan City – Nahulog ng sabay-sabay ang 43 estudyante at 7 guro ng Abuyo National Highschool matapos na bumigay ang hanging bridge na tinatawiran ng mga ito sa Alfonso Castaneda, Nueva Vizcaya, kahapon ika-26 ng Setyembre.

Ayon sa ulat, sabay-sabay na tumawid ang 50 katao at hindi kinaya ng nabanggit na tulay ang bigat ng mga ito dahilan para ito ay bumigay.

Tinatayang nasa 6-10 metro ang taas ng tulay at nasa dulo umano ang mga ito bago tuluyang bumigay kaya naman sila ay nahulog sa buhangin at mabatong bahagi.


Samantala, tatlong biktima naman ang kaagad na dinala sa pagamutan matapos makaranas ng mga ito ng pagkahilo, pagsusuka, pananakit ng katawan at dibdib.

Dinala rin sa RHU ang lahat upang suriin, ngunit kaagad ring pinauwi ang mga ito matapos matingnan ang kanilang kalagayan.

Samantala, napag-alaman na ang mga biktima ay galing sa Sitio Melina at patungo sana sa Sitio Diogan para sa kanilang kanilang intramurals subalit nangyari ang insidente ng kanilang pagkahulog.

Facebook Comments