Cauayan City, Isabela- Idineklarang ‘fully recovered’ na ang 43 na COVID-19 patients sa Lalawigan ng Isabela.
Sa pinakahuling tala ng Department of Health (DOH) Region 2, apatnapu’t tatlo na positibo sa COVID-19 ang naitalang gumaling sa virus ngunit mayroon namang dumagdag na 6 na bagong positibong kaso.
Mula sa naiulat na 6 New COVID-19 cases sa probinsya, tig-dalawa (2) ang bagong nagpositibo sa Lungsod ng Cauayan at Santiago habang tig-isa (1) sa Lungsod ng Ilagan at bayan ng Gamu.
Kaugnay nito, aabot sa 150 ang kabuuang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Isabela.
Mula sa 150 na active cases, dalawa (2) rito ay mga Returning Overseas Filipino (ROFs), labing walo (18) ang Non-Authorized Persons Outside Residence (NoN-APORs), labing anim (16) na health workers, apat (4) na pulis at 110 na maituturing na Local at Community Transmission.