43 na opisyal ng Bureau of Immigration, kinasuhan ng Ombudsman kaugnay sa tinaguriang Pastillas Scheme

Tuluyan nang sinampahan ng kasong graft ng Office of the Ombudsman ang 43 opisyal at tauhan ng Bureau of Immigration dahil sa tinaguriang Pastillas Scheme.

Kasong graft ang isinampa ng Ombudsman sa Sandiganbayan at nagtakda ito ng 90, 000 pisong piyansa sa bawat isa.

Sa pamamagitan ng nabanggit na kalakaran, binibigyan ng easy access ng mga taga-Immigration ang mga dayuhan partikular ang mga Chinese national.


Kabilang sa mga kinasuhan ng Ombudsman sa katiwalian si Immigration Deputy Commissioner Marc Mariñas.

Iginiit ng Ombudsman na paglabag sa Immigration rules and procedures ang pagtanggap ng suhol.

Sa pamamagitan ng nabanggit na raket, nag-aabot umano ng 10,000 piso ang dayuhan at ibabalot ito sa papel para magmukhang pastillas.

Facebook Comments