MMDA, naglatag na ng mga alternatibong ruta kaugnay ng mga isasarang kalsada sa Independence Day

61

Nag-anunsyo na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga motorista sa gagawing pagsasara sa trapiko sa Bonifacio Monument Circle kasunod ng mga aktibidad sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa Linggo.

Ayon sa MMDA, kabilang sa isasara sa linggo ng hatinggabi ang ilang bahagi ng MacArthur Highway, Samson Road, Rizal Avenue at EDSA.

Pinapayuhan naman ang mga motorista na magmumula sa Sangandaan mula sa Samson Road papuntang EDSA na dumaan sa Heroes Del 96 Street, Kaliwa sa 10th Avenue patungo sa kanilang destinasyon.


Ang mga magmumula naman sa Rizal Avenue papuntang MacArthur ay kailangang kumaliwa papuntang 10th Avenue, kanan sa Heroes Del 96 Street, kanan sa Samson Road, kaliwa sa Dagohoy Street, kaliwa sa Caimito Road, kanan sa Langka Street patungo sa kanilang destinasyon.

Ang mga manggagaling ng EDSA ay kailangan gamitin ang 10th Avenue, kaliwa ng B. Serrano papuntang EDSA.

At ang mga sasakyang magmumula sa EDSA papuntang Samson Road ay kailangang kumanan sa MacArthur, kaliwa sa Gen. Pascual patungo sa destinasyon.



Ang mga manggagaling ng MacArthur papuntang Rizal Avenue at Samson Road kailangan dumaan sa Gen. Pascual patungo sa kanilang destinasyon.

Habang ang mga sasakyan na papuntang EDSA ay kailangang gamitin ang Zipper Lane sa Northbound, kaliwa sa 8th Street papunta sa kanilang destinasyon.


Facebook Comments