43% ng mga namamatay sa COVID-19, hindi bakunado – DOH

Kinumpirma ng Department of Health (DOH), 43% ng mga namamatay sa COVID-19 ay hindi bakunado.

Ayon pa kay DOH Officer-In-Charge (OIC) Maria Rosario Vergeire, ang pagbaba ng bilang ng mga naoospital dahil sa COVID-19 ay patunay lamang kung gaano kaepektibo ang bakuna na panlaban sa virus.

Wala rin aniyang dapat ikabahala ang publiko kahit na may mga naitalang bagong kaso ng Arcturus variant.


Ang mahalaga aniya ay sumunod lamang sa health protocol at magpabakuna.

Wala ring balak ang DOH na magpatupad ng mga restrictions sa harap ng pagtaas ng kaso ng infection.

Facebook Comments