Bagong brand ng slogan, ilalabas ng DOT sa mga susunod na linggo

Magkakaroon ng panibagong slogan ang Department of Tourism (DOT).

Sa press briefing sa MalacaƱang, sinabi ni Tourism Secretary Maria Christina Frasco na isasapubliko ang bagong brand ng slogan sa mga susunod na linggo.

Ayon sa kalihim, kasalukuyang kinukonsulta nila ang iba pang stakeholder para dito dahil importante ang opinyon ng mga ito.


Pangunahing tutok ng departamento ay ipakita ang puso ng mga Pilipino, taglay na kultura, mga fiesta at pagkain at mga lokal na produkto ng ating micro small and medium enterprises.

Ang mga ito ayon sa kalihim ay naglalarawan sa pagiging Pilipino na dapat ipagmalaki sa buong mundo.

Siniguro ni Frasco na masisiyahan at mamahalin ng mga Pilipino ang ilalabas nilang bagong slogan.

Nagpapatuloy naman ngayon ang slogan ng Pilipinas na makilala sa buong mundo bilang ā€œitā€™s more fun in the Philippinesā€.

Facebook Comments