Sa patuloy na kampanya laban sa insurhensiya ng pulisya, limang (5) miyembro ng NPA in the Barrio o milisyang bayan at 17 CTG Supporters ang boluntaryong sumuko sa mga awtoridad.
Isa naman ang arestado sa paglabag sa RA 9165 o pagbebenta ng iligal na droga; 12 ang nahuli sa Illegal Gambling; isa (1) ang nahuli sa motornapping at isa rin sa illegal Fishing.
Sa kampanya laban sa Loose firearms, apat (4) na iba’t-ibang kalibre ng baril ang isinurender habang 13 na mga armas ang idineposito sa pulisya.
Anim (6) naman ang isinuko na pampasabog gaya ng Hand grenade, 40MM at Rifle Grenade habang narekober din ng pulisya ang limang (5) piraso na illegally cut common hard wood na tinatayang nasa 160 board ft.
Samantala, nakahuli naman ng 351 violators sa 126 na isinagawang operasyon sa buong lalawigan ng Isabela ang patuloy na implementasyon ng Traffic Laws at Ordinances.
Pinuri naman ni PCol Julio R Go, Acting Provincial Director ang patuloy na pagsusumikap ng kapulisan ng Isabela maging ang komunidad sa kanilang husay sa pagpapanatili ng kaayusan sa buong lalawigan ng Isabela.