Mag-asawa, sugatan sa aksidente sa Cainta, Rizal

62

Malubhang nasugatan ang mag-asawa matapos na sumalpok sa truck ng basura ang minamaneho nilang sasakyan sa kahabaan ng Imelda Ave., Barangay Sto. Domingo sa Cainta, Rizal.

Sa tindi ng impact, nayupi ang harapang bahagi ng kotse kung saan naipit ang mag-asawa.

Na-dislocate ang tuhod at nagtamo ng mga hiwa sa mukha ang mga biktima.


Ayon sa mga saksi, malayo pa lamang ay nakikita na nilang pagewang-gewang pang takbo ng kotse.

Ayon naman sa Cainta Municipal Protection and Safety Office, umamin ang driver na sila ay nakainom bago nangyari ang aksidente.

Dinala na sa ospital ang mag-asawang biktima.



Facebook Comments