44 airports sa bansa, naka-heightened alert na – CAAP

Epektibo ngayong araw na ito, naka-heightened alert na ang 44 airports sa bansa kaugnay ng Semana Santa.

Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), inatasan na nila ang lahat ng kanilang service chiefs at airport managers na magpatupad ng 24/7 operations at direct communication lines.

Pinaiiral din ng CAAP ang ‘no leave policy’ sa kanilang mga tauhan para matiyak ang seguridad ng mga pasahero.


May regular ding ugnayan ang CAAP sa local authorities gayundin sa PNP-Aviation Security Unit (AVSEU), Office of Transportation Security (OTS), Department of Tourism (DOT), Civil Aeronautics Board (CAB), at airlines, para sa maayos na pagproseso ng mga pasahero lalo na sa check-in counters.

Facebook Comments