Eumir Marcial, pinabagsak ang Thai fighter sa 4th round

Nagpakitang gilas ang Tokyo Olympics bronze medalist na si Eumir Marcial nang kanyang pabagsakin ang kalabang Thai boxer na si Thoedsak Sinam sa pamamagitan ng technical knockout sa fourth round na ginanap sa makasaysayang Ninoy Aquino Stadium sa Maynila, nitong Sabado ng gabi.

Sa kanyang homecoming fight, denomina ni Marcial ang 8-round super-middleweight bout sa harap ng mga naghihiyawang mga kababayan.

Bumagsak si Sinam pagsapit ng 1:30 minuto sa 4th round nang magpakawala ng 1-2 combinations at left uppercut ang 28-anyos na Zamboangenio.


Sa ngayon may malinis na 5-0 record sa kanyang professional career si Marcial.

Sunod niyang misyon ay ang Paris 2024 Olympics.

Facebook Comments