44 bagong kaso ng COVID-19 Omicron subvariants, naitala ng DOH

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ang panibagong 44 kaso ng COVID-19 Omicron subvariants.

Batay sa pinakahuling biosurveillance report, 19 rito ang BA.2.3.20, isa rito ay BN.1, apat na ang naitalang BA.5 kabilang ang BQ.1, walo naman sa XBB at 12 sa iba pang subvariants.

Mula ito sa mga samples na sinuri ng University of the Philippines – Philippine Genome Center noong January 18.


Sa ngayon, nananatiling dominante ang BA.5 omicron subvariant sa Pilipinas na mayroong 12,663 cases.

Facebook Comments