Gilas women 3 by 3 basketball team, naghahanda na para sa Manila Hustle 3 by 3

Puspusan ang paghahanda at training ng Gilas women 3 by 3 basketball team sa nalalapit na Manila Hustle 3 by 3 sa darating na Pebrero.

Sasabak muli sa hard-court action sina Traina Guytingco, Janine Pontejos at Khate Castillo sa ilalim ng Lady Macbeth Riots matapos bigong makakuha ng medalya sa 31st Southeast Asian Games sa Vietnam noong nakaraang taon.

Kasama naman nila si Kacey Dela Rosa na pupunan ang pwesto ni Jack Animam na pinatawag upang maglaro sa Europa kaya hindi makakasama sa tournament.


Naniniwala ang Samahan ng Basketbol ng Pilipinas na magiging malaking benepisyo ang mga ganitong klase ng patimpalak sa koponan upang mahasa ang kanilang kakayahan.

Lalahukan ng 12 koponan ang Manila Hustle 3 by 3 kung saan anim dito ang international teams na mula sa Japan, Singapore, Thailand at South Korea.

Facebook Comments