Naka-order na ang Department of Health (DOH) ng higit kumulang 44 milyong piraso ng syringe na gagamitin sa pagbabakuna kontra COVID-19 sa United Nations Children’s Fund
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ito ay mga point 3 ml syringe na karaniwang ginagamit sa mRNA vaccines gaya ng bakuna ng kompanyang Pfizer.
Pero posible aniyang maantala ang delivery ng nasabing hiringgilya dahil sa nararanasang global shortage.
Sa kabila nito, tiniyak ni Vergeire ginagawa ng ahensya ang lahat para solusyunan ang nasabing kakulangan
Kaugnay nito, umapela si Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., sa mga Local Government Units (LGUs) na dapat magkaroon sila ng epektibong paraan para makapag-produce ng ilang gamit sa pagbabakuna gaya ng syringe, alcohol at bulak.
Aniya, pinayuhan na niya ang mga LGU na bumili ng tuberculin syringes bilang pamalit sa point 3 ml syringe.