
Isinailalim na ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa heightened alert ang 44 commercial airports sa bansa.
Sa harap ito ng pagsisimula ng pagdagsa ng mga pasaherong patungo sa mga lalawigan ngayong Semana Santa.
Ayon sa CAAP, inaasahan nila ang pito hanggang sampung porsyentong pagtaas sa passenger traffic ngayong Holy Week.
Tiniyak din ni CAAP Director General Raul Del Rosario ang 24/7 operations sa mga pangunahing paliparan sa bansa
Sinuspinde rin muna ang leave ng mga tauhan ng airports para matiyak na magiging maayos ang sistema sa pagdagsa ng mga pasahero.
Muli namang nanawagan ang CAAP sa mga pasahero na agahan ang pagtungo sa mga airport sa harap ng pinaiiral ngayon na mas mahigpit airport protocols.
Facebook Comments