
Magpapakalat ang Philippine Coast Guard (PCG) ng 17,000 na tauhan para masiguro ang ligtas at mapayapang paggunita ng Semana Santa.
Ayon kay PCG Commandant, Admiral Ronnie Gavan, inatasan na niya ang lahat ng Coast Guard units na paghandaan ang Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa 2025.
Kabilang sa babantayan ng PCG ang overcrowding, overloading ng mga barko at mas maraming insidente ng maritime related crimes gaya ng nakawan.
Tutulong naman ang Coast Guard rescuers sa mga lifeguard sa tourist destinations habang magapatuloy sa pagbabantay ang PCG responders sa pamamagitan ng kanilang pagpapatrolya sa dagat.
Una nang sinabi ng PCG na magpapatupad sila ng heightened alert status mula April 13 hanggang April 20 dahil sa dagsa ng mga pasaherong bibiyahe sa iba’t ibang probinsya ngayong Mahal na Araw.