44 patay matapos mahulog ang isang bus sa India

44 ang patay habang nasugatan ang 35 iba pa nang maaksidente ang sinasakyan nilang bus sa Northern State sa India na Himachal Pradesh.

Nasa 78 hanggang 80 ang lulan ng bus nang mangyari ang aksidente.

Nabatid na nahulog sa bangin ang bus at kinailangan pang itawid ng ilog ang mga nakaligtas para maiakyat sa bangin na ang lalim ay nasa 300 metro.


Nagpaabot na ng pakikiramay ang prime minister ng India sa pamilya ng mga nasawi.

Tiniyak din nitong ipinagkakaloob ang lahat ng kailangang tulong.

Facebook Comments