Maayos na implementasyon ng UHC, dapat siguraduhin ng bagong pinuno ng PhilHealth

Manila, Philippines – Umapela si outgoing Senator JV Ejercito sa bagong talagang PhilHealth President na si retired General Ricardo Morales na tiyakin ang maayos na implementasyon ng Universal Healthcare o UHC law.

Ayon kay Ejercito, ito ay para matiyak na papakinabangan ng mamamayang Pilipino ang UHC.

Umaasa si Ejercito na sa pamumuno ni Morales sa PhilHealth ay maisasaayos na ang pananalapi ng PhilHealth na nababahiran ng kaliwa’t kanang katiwalian.


Tiwala si Ejercito na magagamit ni Morales ang kanyang actuarial knowledge at malawak na karanasan sa insurance business para mapamahalaang mabuti ang PhilHealth.

Tinukoy ni Ejercito, ang pagsisilbi ni Morales dati bilang President ng AFP & Police Mutual Benefit Association Incorporated (PMBAI) gayundin ang pagiging chairman ng Armed Forces and Police General Insurance Corporation.

Facebook Comments