Cauayan City, Isabela- Nasa kabuuang apatnapu’t apat (44) na “tokhang” drug surrenderers mula sa mga barangay ng Aciga, Ammacian, Taggay at Wagud sa Pinukpuk, Kalinga ang nakakumpleto na ng community-based rehabilitation and treatment program sa pamamagitan ng RAPHA Recovery and Wellness Program na inisyatibo ng Pinukpuk Police Station na nagsimula pa noong nakaraang taon.
Katuwang ang ilang stakeholders, LGU Pinukpuk at mga government agencies maging religious sector na nagsagawa ng hakbang para sa recovery ng mga naturang surrenderers.
Ang nasabing bilang ng mga nagtapos sa programa ay napasailalim sa lectures and Orientations na pinangasiwaan ng DOH/RHU gaya ng Salient Provisions of RA 9165, Effects of Illegal Drugs, Prohibited Acts and Penalties, Effects of Gateway Drugs: Alcohol, Cigarette and Marijuana, Stress Management Relapse Prevention/ Moral Recovery Program/ Bible Study, Community Service, Sports tulad ng Fun Run and Ball Games, and Drug Testing.
Kaugnay nito, nagtapos ang nasabing bilang ng drug surrenderers sa anim (6) na buwan na community-based rehabilitation and treatment.
Paalala ng mga awtoridad na ang ganitong hakbang ng pamahalaan ay paraan upang tulungan ang mga indibidwal na minsan ng nagkamali at nais magbagong buhay.