44,000 na trabaho, alok sa Labor Day Job Fair – DOLE

Maraming trabaho ang naghihintay sa mga job seekers sa bukas, Araw ng Paggawa, May 1.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, nasa 44,000 na trabaho ang alok sa online job fair.

Hindi inaalis ng kalihim ang posibilidad na madagdagan pa ang bilang ng mga maiaalok na trabaho.


Naniniwala rin si Bello na maganda pa rin ang employment prospect ng bansa.

Ang Labor Day Virtual Job Fair ay gaganapin sa tulong ng Public Employment Services Offices (PESOs) ng iba’t ibang Local Government Units (LGUs) at ng mga employer.

Mula nitong April 28, nasa 578 employers ang makikilahok sa event dala ang 44,125 na trabaho kung saan 7,174 ang job openings sa ibang bansa.

Kabilang sa mga alok na trabaho ay production operator, factory workers, customer service representative, police officer, contact tracer, sewer, mason, carpenter at re-barman.

Sa mga naghahanap naman ng trabaho sa ibang bansa, ang mga alok ay nurse, factory workers, mechanic, nursing aide, healthcare assistant at cleaners.

Facebook Comments