“No disconnection policy” sa MECQ areas, extended – Meralco

41

Pinalawig ng Manila Electric Co. (Meralco) ang kanilang ‘no disconnection policy’ sa kanilang mga kustomer sa NCR Plus area hanggang umiiral ang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Ayon kay Meralco Chief Commercial Officer Ferdinand Geluz, ikinokonsidera pa rin nila ang mga hamon na kinahaharap ng kanilang mga kustomer ngayon may pandemya.

Magpapatuloy naman aniya ang meter reading alinsunod sa utos ng Energy Regulatory Commission (ERC) para hindi na maulit ang nangyaring ‘bill shock’ noong nakaraang taon.


Paalala ng Meralco, asahan na ang mataas na bill sa kuryente dahil sa pagtaas ng konsumo bunsod ng mainit na panahon.

Facebook Comments