447 Piraso ng Tablon ng Gmelina, Nasamsam sa Jones Isabela!

Jones, Isabela – Nasamsam ng kapulisan ng Jones Isabela ang 447 piraso ng tablon ng GMelina kagabi sa Barangay 1, Jones Isabela.

Sa ibinahaging impormasyon sa RMN Cauayan, arestado ang mga suspek na sina Richard Padua, tatlumput dalawang taong gulang, may asawa, drayber at residente ng Barangay Rosario Santiago City, Isabela; Nelmar Cacuyung, dalawamput limang taong gulang, may asawa, helper at residente ng Barangay Macanyao, Angadanan, Isabela; Love Bryan Pascua, dalawamput anim na taong gulang, walang asawa, helper at residente ng Barangay Patul, Santiago City, Isabela.

Ayon sa pangyayari, habang nagsasagawa ng Anti Criminality Checkpoint ang PNP Jones ay nasabat ang isang ten wheeler truck na pag-aari umano ng isang Irene C. Capili ng Rosario Santiago City na minamaneho naman ni Richard Padua.


Ang ten wheeler ay may laman ng nabanggit na bilang ng tablon na may kabuuang 9,000 board feet na umanoy pag-aari ng isang Teresita Balungay ng Barangay Diego Silay, Diffun Quirino.

Samantala ang nasabing ten wheeler, mga suspek at mga kahoy ay dinala sa himpilan ng pulisya para sa tamang disposisyon.

Facebook Comments