448th FOUNDING ANNIVERSARY,IPINAGDIWANG NG BAYAN NG BOLINAO

Kapag sinabing white sand beach sa Pangasinan, isa ang bayan ng Bolinao sa unang maiisip ng mga turista na mahilig mag swimming sa mga beaches. Kaya naman hindi maikakailang ang Bolinao ay isa sa mga dinarayong tourist spot dito sa ating lalawigan. Dahil dito kilalang kilala na ang Bolinao, Pangasinan bilang one stop tourist destination.
Hindi lamang tourist spots ang pinahahalagahan sa naturang bayan. Kabilang din sa mayamang kultura ang nais mapanatili ng mga mamamayan dito. Ito ang naging sentro ng selebrasyon ng bayan sa kanilang ika 448th Founding Anniversary nito lamang July 25. Naganap sa Don Raymundo Celeste Sports Complex ang selebrasyon na dinaluhan ng mga residente partikular na ng mga bata. Dito ay namigay ng mga food packs para sa mga bata ang lokal na pamahalaan.
Maliban dito ay nagkaroon din sila ng Palarong Pambata kung saan sumentro ang mga laro sa tradisyunal na larong pinoy. Ito ay upang mapanatili sa kamalayan ng mga kabataan ang mayamang kultura natin. Ang mga tradisyunal na larong pinoy na ito ay isa rin magandang paraan ng pagkakaroon ng recreational activities para sa mga kabataan. |ifmnews

Facebook Comments