Halos anim na daang mga mountain bikers mula sa apatnapung mga Bikers Organization mula sa sa ibat ibang panig ng bansa ang nakiisa sa 3rd MTB Challenge ng Provincial Government ng Maguindanao kahapon.
Isinagawa ito sa bayan ng Buluan. Kabilang sa lumahok ang mga opisyales ng military na kinabibilangan nina Col. Robert Dauz , Deputy Brigade Commander 1st Mech Brigade, Col. Cesar De Mesa , Deputy Brigade Commander ng 601st Brigade at Lt.Col Lauro Oliveros ng 1st Mech Battalion.
Ang aktibidad ay bilang pagsisimula na rin ng long month celebration ng ika 44th founding Anniversary ng Maguindanao.
Layun ng MTB Challenge ay upang ipakita sa buong bansa ang pagiging mapayapa ng lalawigan sa pahayag ni Board Member King Mangudadatu na syang nanguna sa okasyon bilang representante ni Maguindanao Governor Esmael Mangudadatu.
Lubos ring pinasalamatan ni Lynette Estandarte , MTB Challenge Organizer , ang lahat ng mga naiikisa lalong lalo na ang mga nagmumula pa sa malayong lugar kabilang na ang mga mga taga Noth Cotabato, South Cotabato, Davao Region, Bukidnod, Iligan, Cotabato City, Gensan at mga bikers mula Manila.