Aabot na sa 45 computer shops ang naipasara ng lokal na pamahalaan ng Navotas dahil sa patuloy na paglabag sa community quarantine.
Ngayong linggo lamang din ay dalawang piso net ang ipinasara dahil bukod sa walang business permit ay nag-o-operate ang mga ito at pinapayagang makapaglaro ang mga menor de edad.
Kasama rin sa naparusahan at pinagmulta ang mga magulang ng mga bata na nahuling nasa labas at nasa computer shop.
Nagbabala naman si Navotas Mayor Toby Tiangco sa mga magulang na ang kapabayaan nila ang posibleng maglagay sa kapahamakan sa kanilang mga anak ngayong may pandemya.
Responsibilidad aniya ng mga magulang na disiplinahin at panatilihin sa mga tahanan ang mga anak.
Facebook Comments