Isang bahay sa Muntinlupa City, sinalakay ng mga otoridad dahil pugad umano ng iligal na droga

Hindi na pumalag pa ang isang lalaki sa Muntinlupa City matapos itong arestuhin dahil sa umano’y pagbebenta ng iligal na droga sa lungsod.

Nakilala ang suspek na si Armando Escalo Yanga, 36-anyos at nakatira sa B5, L328 Bagong Silang, Sucat ng nasabing lungsod.

Sinalakay ang bahay nito ng mga otoridad pasado alas-7:25 kagabi dahilan para makuha mula sa suspek ang pitong gramo ng umano’y shabu at may katumbas na halagang P47,600.


Batay sa ulat ng Muntinlupa Philippine National Police (PNP), nagsagawa muna ng pagmamanman sa supek kaugnay sa iligal na transakyon nito sa ipinagbabawal na droga sa lugar kung saan nakatira ito, nang makumpirma agad na isinagawa ang operasyon laban sa kanya.

Nakakulong na ang suspek sa Muntinlupa PNP custodial facility at nahaharap ito sa kasong pag labag sa Anti-Illegal Drugs Act of 2002.

Facebook Comments