45 COVID-19 Patients sa Region 2, Nakarekober

71

Cauayan City, Isabela- Gumaling na sa sakit na COVID-19 ang 45 katao na tinamaan ng virus mula sa Region 2.

Sa bilang na 45 recoveries, labing apat (14) ang mula sa Probinsya ng Cagayan, dalawampu’t lima (25) sa Isabela, at tig tatlo (3) sa Santiago City at Nueva Vizcaya.

Dahil dito, umakyat sa 1,835 ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa rehiyon.

Umabot naman sa 2, 376 ang total cases ngunit 505 ang aktibo at 36 ang nasawi.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 577 na total cases ng COVID-19 ang Cagayan, pinakamarami sa rehiyon ang Isabela na may 1,093, nasa 111 ang Santiago City, 588 sa Nueva Vizcaya, 5 sa Quirino at 2 sa Batanes.

Facebook Comments