Isang drug den sa Pampanga sinalakay ng PDEA; Lima katao, arestado!

72

Arestado ang limang drug personalities matapos salakayin ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang drug den sa Villa Benito, Madapdap resettlement site sa Mabalacat, Pampanga.

Kinilala ni PDEA Director General Wilkins Villanueva ang mga naaresto na sina; Marlo Duya Panganiban, Edwin Miclat Lampa, Melvin Montaray, Anna Lorainne at Anna Marie Magat Torno na pawang nasa target list ng PDEA.

Nasamsam sa mga ito ang 15 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na ₱102,000 at isang cellphone.

Nasa kustodiya na ng PDEA San Fernando City, Pampanga ang lima at nahaharap sa kasong paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments