45 katao, Nakasama ni CV969 sa loob ng isang klase sa isang Pribadong Paaralan

Cauayan City, Isabela- Patuloy ngayon ang isinasagawang contact tracing sa iba pang mga posibleng nagkaroon ng direktang pakikisalamuha kay CV969 na isang estudyante ng pribadong paaralan sa lungsod ng Cauayan.

Ayon kay Dra. Mary Kristin Purugganan, Assistant City Health Officer, kasalakuyan pa rin ang kanilang ginagawang koordinasyon sa paaralan para sa mga hakbang na kanilang gagawin at maiwasan ang lalo pang pagkalat ng virus.

Aniya, agad naman na nagsagawa ng disinfection ang hanay ng mga health authorities para masigurong ligtas sab anta ng virus ang iba pang mag-aaral na pumapasok sa nasabing paaralan.


Kinumpirma din ni Purugganan na 45 katao ang nakasama ni CV969 sa loob ng klase noong Sabado bago lumabas ang resulta na positibo ito sa virus.

Samantala, hiniling naman ni Dra. Purugganan sa publiko na iwasan ang diskrimasyon sa kanilang hanay dahil hindi naman aniya sila nagkulang ng paalala sa nakakarami na sundin ang health protocols.

Giit pa nito, kapansin-pansin sa publiko ang hindi tamang pagsusuot ng face mask at face shield na sana’y malaking tulong para sa pag-iwas sa sakit.

Facebook Comments