45 mga bansa lumahok sa Changi Aviation Summit (CAS) sa Singapore para sa pagbangon ng Aviation industry – CAAP

Photo Courtesy: Civil Aviation Authority of Singapore Facebook Page

Inihayag ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na nasa 300 mga dignitaries sa transportasyon at aviation mula sa 45 mga bansa ang lumahok sa kauna-unahang Changi Aviation Summit (CAS) ngayong taon.

Kasama sa mga lumahok sa summit ang mga ministers, civil aviation regulators, chief executive ng mga airlines at iba pang captain mula sa civil aviation industry.

Ayon sa CAAP hino-host ng Transport Ministry at Civil Aviation Authority of Singapore (CAAS) ang summit na may temang “Readying for Take-off: A Brighter and Cleaner Tomorrow.


Ang CAS ay isang high-level conference kasama ang mga leader na gumagawa ng disisyon at makipagpalitan ng mga pananaw sa isyu ng global aviation industry para sa pagbangon mula sa pandemya.

Samantala ang International Civil Aviation Organization (ICAO) ay magbibigay ng mga plataporma magbahagi ng karanasan at pag-uusap para sa pangkaraniwang hamon at pakipagtutulungan sa mga estado para sa pagbangon ng aviation industry mula sa COVID-19 pandemic.

Facebook Comments