PROBLEMA SA LANGAW MULA SA MGA POULTRY FARMS, PINAG-USAPAN NG POULTRY OWNERS AT LGU INFANTA

43
Nagkaroon ng pagpupulong ang lokal na pamahalaan ng Infanta kasama ang mga nagmamanukan o Poultry Raisers sa bayan upang pag-usapan ang isyu tungkol sa mga langaw na nagmumula sa poultry at bigyang tugon ang reklamo ng ilang residente ng bayan.
Ilan sa mga suhestiyon na kanilang napag-usapan ay ang paggamit ng trap nets, paggamit ng powder-based chemical mixed with limestone (apog) at uling na galing sa mga asinan, at synchronized loading para maiwasan ang pagkalat ng mga langaw.
Ang pagkakaroon ng malinis na manukan o poultry farm ay makatutulong umano upang maiwasan ang pagkakaroon ng maraming langaw na pwedeng magdala ng sakit sa mga taong malapit dito.

Ipinaalala sa mga ito na responsibilidad ng bawat poultry owners na panatilihin ang kalinisan at iwasan ang pagkalat at pagdami ng langaw.
Sinabi ng alkalde na bubuo sila ng grupo na magiging in-charge sa site inspection at monitoring na regular na isasagawa.
Nais rin nitong ipabatid sa publiko na wala silang dapat ikabahala dahil ginagawan na nila ito ng solusyon. | ifmnews
Facebook Comments