45% ng mga taga-NCR, fully vaccinated na laban sa COVID-19

Umabot na sa 80 percent ng populasyon sa Metro Manila ang nakatanggap na ng unang dose ng COVID-19 vaccine.

Ayon kay Metro Manila Council (MMC) Chairman at Paranaque City Mayor Edwin Olivarez, nasa 45 percent ng mga residente sa National Capital Region (NCR) ang fully vaccinated na laban sa nakakamatay na virus.

Aniya, pinag-aaralan na rin ng mga alkalde ng NCR na magbahagi ng mga bakuna sa mga kalapit na lalawigan at lungsod.


Sa katunayan aniya ang Nayong Pilipino drive-thru vaccination site sa Parañaque ay nagsimula ng tumanggap ng mga residenteng hindi taga-Metro Manila.

Kailangan lamang ng mga nais magpabakuna na magparehistro online at makipag-ugnayan sa Parañaque Local Government Unit (LGU).

Facebook Comments