Mga pulis sa Eastern Samar, pinagamot ang dating rebelde

Tinulungan ng mga tauhan ng 1st Eastern Samar Provincial Mobile Force Company ang dating rebelde sa Eastern Samar para magpa-ospital.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar, kahanga-hanga ang ginawa ng mga pulis matapos na matanggap ang impormasyon mula sa mga concerned citizen ang medikal na kondisyon ng isang dating rebelde na si Ka Sabio.

Dinala ng mga pulis si Ka Sabio sa Casano Hospital sa bayan ng Dolores para ipa-check-up at sinagot ang pagpapa-ospital nito.


Binigyan pa ng mga pulis si Ka Sabio ng mga gamot at isang buwang supply ng bitamina.

Sinabi ni Eleazar na ipinakita ng ating mga pulis sa Samar ang tunay na malasakit sa kapwa kahit ang kanilang tinulungan ay itinuturing na dating kaaway ng gobyerno.

Facebook Comments