Naipamahagi na ang kabuuang 452,000 doses ng bakuna sa mga manggagawa na nasa manufacturing at construction industries partikular sa Metro Manila, Regions 3 at 4-A.
Ang naturang mga bakuna ay unang hiniling ng Labor Department sa National Task Force Against COVID-19.
Layon ng hakbang na makatulong sa pagpapabilis ng pagbabakuna sa mga itinuturing na “movers” ng ekonomiya.
Makikipag-ugnayan na rin ang DOLE sa Philippine Constructors Association at sa mga LGU para matukoy ang mga manggagawa na isasalang sa vaccination.
Facebook Comments