Senator Pacquiao, wala pang desisyon kaugnay sa 2022 elections

Nagpasalamat si Senator Manny Pacquiao sa kahandaan ni Vice President Leni Robredo na suportahan ang posibleng Moreno – Pacquiao tandem para sa 2022 presidential elections.

Pero paglilinaw ni Pacquiao, wala pa siyang desisyon kaugnay sa susunod na halalan.

Ayon kay Pacquiao, pinag-iisipan pa niyang mabuti kung alin sa tatlong option ang pipiliin niya.


Una ang kumandidato sa pagkapangulo, ikalawa ang tumakbo muli bilang senador at ikatlo ang tuluyan nang magretiro sa politika.

Umapela si Pacquiao ng suporta sakaling mapagpasyahan niya na muling kumandidato para ipurisige ang
hangaring kapayapaan at kaunlaran ng ating bansa.

Bukod dito ay gusto rin ni Pacquiao na makita sa kulungan ang mga magnanakaw sa pamahalaan na siyang dahilan ng paghihirap ng ating mga kababayan.

Facebook Comments