4,578, naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa

4,578 ang naitala ngayong araw ng Department of Health na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ito na ang itinuturing na pinakamataas na bilang na naitatala ngayong taong ito.

Bunga nito, umakyat na sa 611,618 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.


Sa nasabing bilang, 52,012 ang aktibong kaso.

272 naman ang mga bagong gumaling sa sakit ngayong araw.

Bunga nito, umaabot na sa 546,912 ang kabuuang bilang ng recoveries.

87 naman ang bagong binawian ng buhay ngayong araw kaya umakyat na sa 12,694 na ang total deaths.

Samantala, nakapagtala naman ang Department of Foreign Affairs ng 2 Pinoy sa abroad na bagong na-infect ng virus.

1 naman ang bagong naka-recover habang walang naitalang bagong binawian ng buhay.

Sa ngayon, 15,876 na ang kabuuang bilang ng mga pinoy na tinamaan ng COVID-19 sa abroad

5,281 sa mga ito ang patuloy na nagpapagaling habang 9,554 ang total recoveries.

Nananatili naman sa 1,041 ang total deaths.

Facebook Comments