Nabakunahang frontline personnel ng AFP, umabot na sa halos 15,000

Naturukan na ng bakuna kontra COVID-19 ang 14,969 frontline personnel ng Armed Forces of the Philippines.

Ito ang iniulat ni AFP Chief of Staff Lt. General Cirilito Sobejana.

Tiniyak naman ni Sobejana na tuloy-tuloy ang AFP sa pagde-deliver sa mga probinsya ng Coronavirus vaccine para mabilis na mabakunahan ang mga frontline personnel.


Hanggang kahapon ayon kay Sobejana mayroon nang kabuuang 39,000 vials ng Corona vaccines ang na-deliver na sa 16 military treatment facilities nationwide.

Samantala siniguro rin ni Sobejana na lahat ng sundalo ay magpapabakuna para mas maprotektahan ang kanilang sarili, kanilang mga mahal sa buhay at ang bansa sa epekto ng pandemya.

Facebook Comments