Ipapagamit ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang 46 na mga kampo at military treatment facilities sa buong bansa para gawing COVID-19 vaccine site.
Ito ang inihayag ni AFP Spokesperson Major General Edgard Arevalo.
Aniya, sa bilang na 46, 30 rito ay una nang naging accredited ng Department of Health (DOH) habang ang 16 ay sasailalim pa sa inspection ng DOH para magkaroon ng accreditation at magamit bilang vaccine site.
Una nang inihayag ni AFP Chief of Staff Lieutenant General Cirilito Sobejana na handa ang AFP na tumulong sa gagawing COVID-19 vaccination nationwide.
Aniya, hindi lang kanilang kampo ang kaniyang ipapagamit maging lahat ng uri ng sasakyan ng militar para sa distribution naman ng mga bakuna.
Facebook Comments